Bakit lagi nag aaway ang pilipino at hapon.

Bakit lagi nag aaway ang Hapon at pilipino?
Una sa lahat hindi magkaintindihan Dahil hindi naman fluent magsalita ng hapon.
Kaya hindi maexpress o masabi ang gusto sabihin ng tama.
Ganon din ang hapon.hanggang sa magtalo at mag away na.
Likas din sa Hapon na malamig. Dahil mahiyain at bihira magsabi ng nararamdaman.
Ang pinoy naman ay mapagmahal at malambing at nagsasabi na nararamdaman.
Kaya kadalasan nauuwi sa hiwalayan.
Mahilig din magcelebrate ang pinoy ng okasyon. Birthday,monthsary ,anniversary,lahat ng kasayahan.
Mahalaga ang mga bawat alala na lumilipas.
Ang hapon naman hindi nakaugalian ang mga celebration. Masmahalaga sakanila trabaho.
Kaya kadalasan pinagaawayan at hindi magkasundo dahil napakalamig ng hapon.
Dahil wala ng oras.hindi katulad ng pinoy kahit walang pera mangungutang pa para maypanghanda.ang hapon healthy lang at buhay.
Kadalasan din pinag aawayan hindi nagsasalita ng sorry kapag walang mali.Ang hapon kahit mali o tama dapat magsosorry yon naman ang nakakahanga at nakakabelieve sa hapon.pati sa tradisyon kultura hindi pareho kung hindi magkaunawaan away.kaya mahalaga na malaman mo ang tradisyon o ang mga kaugalian ng hapon at pilipino at nakasanayan ng bansang japan.